My Dearest Kyla,

Happy birthday! Sinasabi mo na hindi mo naman nilolook forward 'tong birthday mo, pero gusto ko malaman mo na super excited ako ngayong kaarawan mo. Hindi man tayo magkasama ngayon, pero nandito ako ready mag-celebrate with you, with Junjon, Maowie, and Kimchi. Favorite month ko 'tong September, kasi nakilala kita sa buwan na ito, first time kitang nakita at nakausap sa buwan na ito, at naging girlfriend kita sa buwan na 'to- kaya ganon na lang ka-memorable sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo nang sapat. Sa bawat araw na magkalayo tayo, pinapaalala mo sa 'kin na alagaan ang sarili ko, kumain nang maayos, at huwag magpabaya. Kahit na malayo ka, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin. Ang dami mong itinuturo sa akin- lalo na kung paano maging gentle sa sarili ko. You always find ways to make me feel cared for, and it means a lot to me.

Kahit gaano pa kahirap o kadami ang challenges na dumating, hindi ako natatakot dahil alam kong kasama kita sa pagharap ng mga ito. Sobrang thankful ako na ikaw ang kasama ko sa lahat ng ito. Mahal na mahal kita. Sana maramdaman mo kung gaano kita kamahal at kung gaano kita pinahahalagahan. Happy birthday, babe. Hindi man tayo magkasama ngayon- pero nandito lang ako kasama si Maowi at Chichi.

Mahal na mahal kita and I miss you so much!